Dear Isha, today, October 4, I just want to greet you, a very happy, happy 3rd birthday! You're always be our unexpected blessing from God. I know God has bigger plans for you our baby girl.
Sobrang thankful ako when I said yes to God na if timing nya na magkababy ulet kami after ate Sofi ibibigay nya at the right time. Alam kong matagal nalg nagpray si daddykins and Sofi for a baby brother and last December 2015 bago mag new year sabi ko kay God if will nya to have another baby kahit kag 39 na ako that year ibibigay nya. Hindi ako mahihirapan magbuntis, hindi magkakasakit and we will be healthy.
February 3 when I checked the pregnancy test and lo and behold, pregnant na ako with you. We can't believe it. As in! Inulet ko pa ng 3x mag pt. Haha! February 6 when we first heard your heartbeat. Sobrang hindi ako makapaniwala. I even asked the doctor if buntis ba talaga ako.
We prayed and asked God to guide me while being pregnant with you. Aside sa mataas ang bp (because of age) we were both healthy. Hindi ako nagkasakit ng kahit ano. Not even ubo or sipon.
We prayed na October ka lumabas para ka birth month mo si ate Sofi.
On our 5th month of pregnancy nagpa ultra sound kami to confirm if baby boy ka. Pero nabigo kami to know that day. Nagtago ka. Nakatalikod ka sa amin. Ayaw mo kaming lingunin. Lol! Sabi ko kay daddykins and Sofi baka baby girl ka. So we talked to you. We said sorry. Sabi namin kahit baby girl ang bigay sa amin ni Lord, we will welcome you to our family. Everyday we talked to you. We assured you that you are loved.
We waited for 2 weeks for another ultrasound. Finally, nagpakita ka na. Kahit half lang lang you showed us that you're a baby girl.
Hindi mo pinahirapan si mommy manganak. 1:30 pm of October 3 nagspotting na ako. Nasundo ko pa si ate Sofi sa school, bumili pa kami ng ibang gamit mo pa, around 6:30pm ikot ka na ng ikot sa tyan ko and nagspotting pa din ako. Nafefeel ko malapit ka ng lumabas. We went to St. Lukes, QC around 9pm. When they checked on me 4cm dilated na ako kaya inadmit na ako. Kinausap kita sabi ko wag ka ng malikot para normal delivery tayo.
Nagpray ako kay God na since last baby ka I want to experience yung "water broke". 6cm ako around 11pm, pinaglakad ako sa hallway. Kinakantahan kita. Narinig ko bigla yung plop at nabutas na panubigan ko. Around 11:30pm yun. We went to bed na agad. Pero humihilab tyan ko. First time kong gising. D ko kasi naranasan kay ate Sofi yun kasi tulog ako. Bawat contract mo ramdam ko. Because of mataas na bp hindi advisable na magpa epidural ako.
Umiiyak na ako sa sakit. Biglang mabilis na lahat. 8cm ako ng mga 1am. Antok na antok ako nun pero nagigising paghumihilab. Around 1:50am pa 10cm na daw. Pinatawag na si daddy para magbihis. Sinabihan ako any time lalabas ka na and relax lang daw ako. Kayang kaya ko daw. Antagal ni daddy dumating. Pinagalitan ko pa sya kasi ayokong mag intay sa kanya pero ayokong mamiss out nya. Konting push lang and by 2:04am lumabas ka na. Umiyak ka kaagad. Lol! Nilagay ka nila sa dibdib ko para sa unang yakap. Tumigil kang umiyak. 9.9 apgar score mo. Very good ka, baby girl.
Muntik na ako sumuko sa breast feeding pero d ako sumuko dahil alam ko may benefits tayong dalawa makukuha. Ang galing ng latch mo. Nagstruggle ako pero kinaya natin.
You're an easy baby. Wala akong hirap sa iyo. Except sa pagpapatulog. Haha! D ka mapipilit matulog kapag ayaw mo. Kusa kang nag wean from breastfeeding. Kusa kang naglakad without help. Ambilis mo din magmemorize. Hanggang ngayon nireremind mo si mommy na napagalitan kita sa kitchen dahil nagjoke ka na hahagis mo phone ko sa sink. Lol.
Now, I can't believe you're 3 years old na. Very, very madaldal. Fave mo sweets. Fave mo sumayaw at kumanta. Ayaw mo manood ng movies. Ayaw mo ng rain (dahil sa kulog at kidlat). Nauuto mo kami minsan pag inuutusan ka, haha! Pero madali kang mag sorry, good morning. Andami mo ng antics. Dami mong kwento.
You will always be our unexpected blessing, Isha. Alam namin na malaki ang plano ni God kung bakit ka pinanganak for such a time as this. Your name means double-portion. So we declare double portion for you in blessings, favor and good health.
We love you so much, Isha! Thank you for bringing happiness to our family. Thank you for completing us.
October 4, 2016 - unang yakap.
And today, despite na team bahay tayo nagcelebrate because of your colds, fever, I pray na nag enjoy ka sa celebration natin.
Thank you for being a sweet baby. We love you so so much. Happy birthday, Isha. ❤️
1 comment:
Nakakatuwa talaga balik balikan Momsh ano, mula sa breaking of news, ultrasound na gives us excitement lalo na kung pa hide n seek pa 😁 Sa bunso ko sa kanya ako di nahirapan pero crucial and in danger noong first trimester even my 2nd child. Kaya nakkatuwa tlaga mgbasa kapag ganitong journey, amazing kasi ang transformation. Magkasunod lang kami ni bebe, 5 naman ako. Belated happy bday ❤️
Post a Comment