Bilang tulong sa mga nasalanta at napinsala ng Bagyong Egay kamakailan, waived ang remittance fees ng BDO Unibank sa mga donation na ipapadala sa BDO Remit offices nito abroad mula August 1 hanggang September 30, 2023.
Sa mga nais tumulong, maaari nilang ipadala ang kanilang donasyon sa mga sumusunod:
- BDO
Foundation, Inc.
- ABS-CBN
Lingkod Kapamilya Foundation, Inc.
- GMA
Kapuso Foundation, Inc.
- Philippine Red Cross
Bumisita lamang sa BDO Remit offices sa Hong Kong, Macau, Japan, Daly City sa USA, Toronto, Canada, at sa United Kingdom. Para sa kumpletong listahan ng addresses, bumisita sa www.bdo.com.ph, click Remittance Services at piliin ang BDO Remit international offices.
"Isang malaking pagsubok muli ang Bagyong Egay sa mga kabayan natin. Umaasa kami na kahit papaano, maiibsan ang hirap na nararamdaman nila sa pamamagitan ng zero remittance fee sa mga donasyon na manggagaling sa mga kapwa nating overseas Filipinos,” ani Genie T. Gloria, Senior Vice President at Head ng BDO Remittance.
Maraming probinsya na ang nag-declare ng
State of Calamity dahil sa malaking pinsalang dulot ng Bagyong Egay. Kabilang
dito ang probinsya ng Pampanga, Cagayan, Ilocos Norte, Bataan, Cavite, Mountain
Province, at Apayao.
No comments:
Post a Comment