This is not my usual post pero just want to share why I don't update that much these past days. Sofi and I have SORE EYES! Huhuhu. Never kong na-imagine na magkakaroon kami ng sore eyes. Why? I thought nauuso lang sya. Mali pala ako. It's an all-year round virus and walang pinipiling tao eto. Kahit sino pwedeng magkaroon. Masaklap? Pwedeng umulet. Waaaahhh!!!!
I've posted in my Facebook Page the other day na we brought Isha to the ER of St. Lukes due to an on off fever. It started last Friday tapos nawala nung nagparacetamol then nagkaroon lang ulet nung Sunday. Though mababa lang naman kaso nakakakaba din kasi, d ba? She had no symptoms whatsoever. Walang cough or colds. Very active and eat pa din sya. Kaya wala kaming maisip ng source ng fever nya.
When we went to the ER sinabihan kami na waiting time is 1-2 hours. Since andun naman na kami and kahit nawala fever ni Isha tinuloy na namin pag-antay. Thank God all lab results were negative. And since then no fever na si Isha though she developed cough and colds nung Tuesday but at least it is manageable.
Aside sa migraine ko the whole day nung Monday, #TeamSofIsha were ok ok naman.
Pero Tuesday before I went out naabutan ko si Sofi sa house from school. She told me na nasa clinic sya nung morning dahil namula daw eyes nya. The school nurse put eye patches on her and some eye drops. Umokey naman daw though naka feel daw sya ng pain. Kaya I told her she'll be absent the next day para mapacheck sya.
Wednesday came nagfever naman si Sofi nung morning. Again, no cough or colds. Our pedia in St. Lukes is not available every Wednesday kaya I decided to bring her to Healthway na lang since yun ang malapit sa amin. So plan ko optha and pedia for her.
But before we left for Healthway I messaged daddykins and told him na parang may nakatusok sa right eye ko. He told me to wash my eye with running water. Pero hindi pa din nawala. Nagsuspect na ako ng sore eyes. Huhu.
Confirmed! Tinamaan kami ni Sofi ng sore eyes. Huhu.
After our Healthway doon ko na naramdaman yung pain and swollen eye. Hindi pa affected yung left eye ko but the Optha said meron na din daw.
For Sofi naman may fever pa din sya hanggang makauwi kami. Umabot pa sya ng 39. We don't know anong cause nya. And no, hindi connected sa sore eyes ang fever. According to our Optha sore eyes don't cause fever.
Excuse the photos but I thought of sharing our journey lang with our sore eyes.
Day 1 - paguwi from Healthway naging ganyan na right eye ko. Kaya pala pinagtitinginan na ako nung nasa restroom kami. Hindi sya nagmumuta pero watery na sya, red na and hindi na masyadong maopen.
Day 2 - both eyes are now infected. I only forced my eyes to open for photo purposes pero talagang half-open lang ang kaya ko. I have high pain tolerance pero ramdam ko yung kirot sa mata ko. Huhu.
Day 3 - pain was manageable. Both eyes were red. I can slightly open them na unlike the day before. Mas itchy sya and mas teary eyed ako. My mom told me to rest my eyes from using my phone kasi super red sya. Natakot din sya. Haha! We went back to our Optha for follow up and thank God our medicine is taking effect na.
Day 4 - Obviously, mas nadidilat ko na ang mata ko. May talukap ulet ako, hehe. Pero grabe ang kati. Huhu! And super conscious ako sa paghawak ng eyes ko kasi according to our Optha mas nakakahawa na yung ganitong stage.
Day 5 - you can see the white na. Pero wow sa sobrang itchy! Tiis lang talaga. We still take eye meds.
As of Sofi, hindi mo malalaman na may sore eyes sya. For the whole duration once lang sumakit ang eyes nya, nag konting red, and that was only the first day. After that wala. As in you can't tell talaga. Only when she had her eye checked saka sinabi na meron syang sore eyes hanggat 4th day meron pa din. Pero bakit wala? White kung white ang paligid ng iris nya. Very normal. Sabi ng Optha, mas mabilis ang healing process ng bata kesa sa adult. And case to Usuallyc, basis sya, it only takes 10 days or less for them while 14 days or adulless sat.
Today, Monday, I am on my Day 6 and Day 7 naman si Sofi. We're due for follow up today sa Optha. Can't wait to be over and done with this. Ang hirap kumilos esp if you have a toddler. Hindi mo maiiwasan hawakan sya. Kaya super conscious kami ni Sofi na hindi hawakan ang mata namin para hindi namin ma-spread ang virus.
The reason I share this with you it's because I want to share din what I learned from sore eyes. I experienced last week during our follow-up checkup sa Healthway ang titigan ka pati mata mo tapos iiwasan ka na as in nag iba ng way ng lakad, haha! And sabi din ni hubby if hindi ko daw shineare sa kanya yung mga nalaman ko at advise ng Optha e hindi nya malalaman na hindi may specific way kung paano ka mahahawa. Akala nya kasi it's in the air. Once may makasalubong ka mahahawa ka na. Parang sa ubo, once may umubo sa paligid mo mahahawa ka na. Sa sore eyes hindi. Direct contact sya sa eyes mo.
So here's what I learned:
- It takes 72 hours para magkaroon ng sore eyes (kung nahawa ka after rubbing your eyes)
- It takes 10-14 days healing process. 10 sa bata and 14 sa adult
- Hindi ka mahahawa if tititigan mo ang may sore eyes, kausap mo sya, katabi mo sya
- Mahahawa ka lang ng sore eyes if directly ni-rub mo ang mata mo na may nahawakan kang hinawakan din ng may sore eyes na hindi naghuhugas ng kamay
- Need palitan ang pillow case every night. Labhan, patuyuin at plantsahin bago gamitin ulet
- Hindi pwedeng magshare ng towel, damit
- If hindi maiiwasan pwedeng magtabi sa kama pero dapat opposite side kayo. Nasa paanan ka ng katabi mo or nasa paanan mo ang katabi mo
- Iba ang gamot sa sore eyes ng bata at matanda
- Laging maghuhugas ng kamay at mag alcohol
- Huwag directly hahawakan ang mata esp.if nasa labas ng bahay na hindi ka makakapag hugas ng kamay or alcohol
- Pwedeng maligo, walang bawal ng food
- If magfever hindi sya connected sa mata. Better check with your doctor
- Healing process can be shortened depende sa gamot na irereseta sa iyo
- Mas nakakahawa ang papagaling na
- Pwedeng may sore eyes ka pa kahit hindi mapula ang mata kaya better follow your Optha's advise
- Pwedeng magka sore eyes na hindi nagmumuta or nagluluha. Hindi ako nagmumuta. Only sa 2nd day lang pag gising pero other than that hindi na naulet
- Makirot sya sa una tapos hindi na ulet depende sa tolerance mo
- Mas makati sya pagpatapos na
- Only the Optha can tell if nakakahawa ka pa or not. Just because natapos mo ang 10-14 days healing process e hindi ka na nakakahawa. Better have it checked sa Optha mismo
- You can ask for clearance if babalik ka na ng school or work para makampante din ang mga kasama mo na hindi ka na nakakahawa
- Sore eyes ay hindi uso uso lang. It's viral infection all year long. Walang pinipiling tao o panahon ang sore eyes.
Unlike with cough and colds na pwedeng mag face mask, you can't disguise sore eyes. Napakadaling magspread ng virus nito esp. if you directly touch your eyes. Ang hirap sa bata lalo na hindi pa nila na-gets yung concept na pag madumi ang kamay at kung ano ano ang hinawakan e wag hahawakan ang eyes. Kaya let's pray for their protection talaga.
I intentionally did not mention kung anong gamot namin kasi ayaw kong mag self medicate ang makakabasa nito. Just go to Optha. Good thing may mga clinic na sa SM like sa SM North Edsa doon ako sa Healthway kaya pwedeng pa-check any time. Yes, covered din ng HMO (or depende sa coverage nyo) ang checkup at Optha.
To brands, friends and PR's, pasensya na po if madaming naging pending in the last few days. Actually, last Friday ko pa plan i-post ito kaso hindi ko matapos tapos dahil nirerest ko din ko ang eyes from using gadgets.
Praying for everyone's health. Mahirap, hassle at magastos magkasakit. So always make yourself clean.
And pakiusap sa mga may sore eyes or kahit pagaling na, please refrain from touching your eyes then touching things without washing your hands para hindi kayo makapag spread ng virus.
To our readers, pasensya na sa mga lack of updates. Excited na ako for October because it's #TeamSofIsha' birthday month. You know what that means? Stay tuned.
Disclaimer: Everything I shared here came from our experience and from the advise of our Optha. Sore eyes is case to case basis. Better visit your Optha for proper assessment if you think you have sore eyes, too.
Disclaimer: Everything I shared here came from our experience and from the advise of our Optha. Sore eyes is case to case basis. Better visit your Optha for proper assessment if you think you have sore eyes, too.
No comments:
Post a Comment